Worksheet ng Apat na Hakbang sa Pagpapatawad

Bakit Kailangang Magpatawad? Paano Patatawarin
Pag-download ng libro PDF

Apat na Hakbang sa Pagpapatawad: Pag-download ng libro PDF

Ang worksheet na ito ay makakatulong sayo sa apat na hakbang

1.Sino at Bakit

Isipin ang taong kailangan mong patawarin at kung bakit mo siya dapat patawarin. Ilagay ang detalye sa ibaba:

Nais kong patawarin si ____ dahil ___.

Ito ay gagawa ng pangungusap tungkol sa kung sino ang kailangan mong patawarin at kung bakit mo sya dapat patawarin.

Halimbawa:

Nais kong patawarin si Tatiana sa pang-aagaw sa aking kasintahan.
Nais kong patawarin si John para sa pamamalo sa akin nung ako ay bata.
Nais kong patawarin ang aking ama para sa hindi nya sapat na pagmamahal sa akin.

2.Tanggapin at Simulang Alisin ang Posibleng Balakid

Sumulat tungkol sa mga damdamin na maaring maging balakid sa pagpapatawad sa sitwasyong ito, tulad ng galit, sakit, takot, inggit, paghihiganti, at iba pa.

Pinipili kong pakawalan ang damdamin ng _____

Examples:
Pinipili kong pakawalan ang damdamin ng galit at takot.
Pinipili kong pakawalan ang damdamin ng pagkapoot, pagka-ayaw.
Ngayon ay pinakakawalan ko ang kalungkutan, sakit, at pagiging miserable.

3. Benepisyo

Isulat ang mga dahilan kung bakit mo nais magpatawad at gumawa ng pangungusap mula dito. Ano ang mga benepisyong iyong makukuha mula sa pagpapatawad? Ano ang iyong mararamdaman, pano magiging mas maayos ang ugali patungkol dito? Pano magbabago ang iyong mga kilos? Makakatulong itong palakasin ang iyong motibasyon at pagnanais na magpatawad.

Gumawa ng pangungusap kung saan nakalista ang lahat ng benepisyong matatamas mula sa pagpapatawad. Gawin ito sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga nakasulat sa ibaba lakip ang listahan ng mga pakiramdam na inaasahan mo sa sandaling ikaw ay magpatawad. Mas mainam kung ilalagay ang mga positibong damdamin kaysa sa binawasang mga negatibong damdamin (“mas payapa” sa halip na “hindi na masyadong matatakot”).

Tinatanggap ko na ang pagpapatawad sa sitwasyong ito ay makakatulong sa akin sapagkat ako ay makakaramdam ng _____

Mga Halimbawa:

Tinatanggap ko na ang pagpapatawad sa aking ina ay makakatulong sa aking maging mas maligaya, mas malusog, at mas mapayapa.
Nakikita ko na ang pagpapatawad kay John ay makakatulong sa aking maging malaya, mapagmahal, at makakatulong sa aking maka-usad sa buhay.

4.Pagtupad sa Pangako

Gumawa ng pangungusap na magpapatibay at magkukumpirma ng iyong intensyong magpatawad. Sa hakbang na ito mo sinasabi ang iyong intensyong patawarin ang isang tao at pagtibayan ang iyong desisyong mabuhay ng mas matalino at mas may malawak na pag-iisip.

Ipinangangako ko sa aking sariling patawarin _____[Pangalan ng tao] at tinatanggap ang kapayapaan at kalayaan na dulot ng pagpapatawad.

Halimbawa: Ipinangangako kong patatawarin si Janet at at tinatanggap ang kapayapaan at kalayaan na dulot ng pagpapatawad.

Gumawa ng iyong Deklarasyon ng Pagpapatawad

Ngayon ay makakagawa ka ng isang deklarasyon ng Pagpapatawad sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga pangungusap na iyong ginawa sa itaas.

Unang Halimbawa:
Nais kong patawarin si Janet.
Pinipili kong pakawalan ang damdamin ng pagkapoot at sama ng loob.
Tinatanggap ko na ang pagpapatawad ay makakatulong sa aking maging mas masaya, mas malusog, at mas payapa.
Ipinapangako kong patatawarin si Janet at tinatanggap ang kapayapaan at kalayaan na dulot ng pagpapatawad.

Ikalawang Halimbawa:
Nais kong patawarin ang aking ama sa hindi sapat na pagmamahal sa akin.
Pinipili kong pakawalan ang damdamin ng galit, pagkadismaya, at sama ng loob.
Tinatanggap ko na ang pagpapatawad ay makakatulong sa aking makaramdam ng kalayaan, maging mas mapagmahal, at mas nabubuhay.
Ipinapangako sa aking sarili na ang pagpapatawad sa aking ama at tinatanggap ang mga paraan na makakatulong sa aking maging mas maligaya at mas mapagmahal sa ibang pang tao.

Pagsasanay

Piliin kong gaano katagal mong nais gawin ang Apat na Hakbang (7 araw, 21 araw, etc) at kung anong oras ng araw mo nais gawin ito. Gawin ito ng di bababa sa tatlong beses kada sesyon, isulat ang mga hakbang kung posible, o sabihin ito ng malakas o mahina sa iyong isipan kada sesyon.

Habang inuulit ulit mo ang mga ito, mapapansin mong nagbabago ang iyong nararamdaman (hal, sa ikalawang hakbang, ang galit at maaring magtungo sa pagkainis at kung ano pa man). Kung ito man ay mangyari, baguhin ang iyong mga salita upang tumugma sa iyong tunay na nararamdaman sa mga sandaling iyon mismo. Mapapansin mong habang inuulit ulit mo ang mga hakbang na ito, ang pagnanais na magpatawad ay lalong lumalalakas. Ito ay magandang simula lalo’t nakikita mo na ang mga benepisyong maaring dumating sayo (at sa mga malapit sayo) habang ikaw ay natututong magpatawad.

Sa paglipas ng panahon, mararamdaman mong hindi na kailangan pang gawin ang apat na hakbang, at maari mo nalang gamitin ang iyong deklarasyon ng pagpapatawad hanggang sa maramdaman mong ikaw ay kumpleto.

Bilang bahagi ng pagpapalaya sa iyong sarili mula sa mga nasabing damdamin, kailangan mo ring gumawa ng iba pang emotional release tulad ng pagsasabi nito sa isang kaibigan o pagpunta sa isang therapist. Habang ikaw ay nagsasanay, makakaramdam ka ng mga hindi inaasahang damdamin o mga nakalimutang ala-alang biglang lilitaw. Pabayaan mo lang ito o humanap ng suporta kung kailangan.

Kung ikaw ay naniniwala sa mas nakakataas na espirituwal na kapangyarihan, natural lamang na nais mong maging bahagi ito ng iyong proseso ng pagpapatawad. Magdadagdag lamang sa dulo ng mga salitang “Hinihingi ko sa Diyos ang tulong sa aking pagpapatawad at sa pagiging malaya”, o “Inaanyayahan at tinatanggap ko ang mga grasya mula sa Diyos sa pagtulong sa aking magpatawad.”

Pagpapatawad. Pag-download ng libro PDF

Apat na Hakbang sa Pagpapatawad PDF

Apat na Hakbang sa Pagpapatawad EPUB

Apat na Hakbang sa Pagpapatawad KINDLE

Apat na Hakbang sa Pagpapatawad

Isang pinakamakapangyarihang paraan patungo sa iyong kalayaan, kaligayahan, at tagumpay.
William Fergus Martin

ISBN: 978-1-942573-49-4