Isaalang-alang ang mga mabubuting iyong magagawa; kaysa sa mga masamang nagawa na hindi mo na mababago.
Upang mapatawad ang iyong sarili, maaari kang umisip ng mga paraan kung paano makipag-ayos sa iba. Ang pakikipag-ayos, o kahit na pag-iisip ng pakikipag-ayos, ay normal na magbibigay sayo ng kaginhawaan. Kung hindi man, maaaring ito ay isang anyo ng self-harm o self-punishment na hindi agad nakikita. Ang pakikipag-ayos ay maaaring sumingil sayo; ngunit hindi ka sasaktan nito.
Kung hindi mo na mahanap ang taong iyong nakasamaan ng loob (maaaring wala na sila sa iyong buhay) ngunit nais mo pa ring makipag-ayos sa kanya, maari mong gawin sa iba at maging particular, maging mapagbigay o matulungin sa ibang tao sa kaparehong lahi, grupo, o tipo – o di naman kaya’t kahit kanino.
Naniniwala ka bang kailangang patawarin ka muna ng Diyos bago mo pa mapatawad ang iyong sarili? Kung oo, tinanong mo na ba ang iyong sarili kung paano mo malalamang pinatawad ka na Nya? Kaya’t subukan at kumpletuhin ang Apat na Hakbang ng ilang beses at tingnan kung magiging mas malinaw ito. (tingnan sa “Papatawarin Ba Ako ng Diyos?”)
Sa pagpapatawad sa iyong sarili, ang Apat na Hakbang sa Pagpapatawad ay pareho lamang. Ngunit, babaguhin natin ang Ikatlong Hakbang sa papamagitan ng pagdadagdag ng bahagi kung paano makikinabang ang iba sa pagpapatawad sa ating sarili.
Unang Hakbang: Gusto kong patawarin ang aking sarili dahil sa:
Pumili ng isang espesipikong bagay.
Halimbawa: Gusto kong patawarin ang aking sarili dahil sa pagsasabi ng masasakit na salita sa aking kapatid.
Ikalawang Hakbang: Gusto kong alisin ang damdamin na:
Isaad dito ang mga naramdaman habang ito’y pinagdadaanan. Tinatanggap mo ang mga damdaming ito para makalaya sa mga ito upang maka-usad sa buhay.
Halimbawa: takot na maparusahan, mga pagsisisi, galit sa sarili, guilt, pagkapahiya, atbp.
Ikatlong Hakbang (A): Tinatanggap ko na ang pagpapatawad sa sitwasyong ito ay makakatulong sa akin sapagkat ako ay:
Isulat ang mga benepisyong maaaring dumating sayo habang pinapatawad mo ang iyong sarili. Ang mga kapakinabangang ito ay maaring pagiging malaya sa mga inilista mo sa Ikalawang Hakbang, at ang kabaliktaran ng mga ito. Ilan sa mga benepisyong ito ay mangangahulugang pag-gawa ng mas maayos na relasyon, na trabaho, o magkaroon ng maraming pera, at iba pa., depende kung ano ang angkop sa kung bakit mo pinatatawad ang iyong sarili.
Halimbawa: Mas magiging masaya, mas malaya, mas relaxed at iba pa.
At dahil ito ay proseso ng pagpapatawad sa sarili, magdadagdag tayo ng isa pang hakbang, Ikatlong Hakbang (B), mula sa apat na hakbang. Sa hakbang na ito, tinutuon natin ang pansin sa kung paano ang pagpapatawad sa sarili ay magiging kapaki-pakinabang sa iba. Ilan sa mga benepisyong ito ay waring tulad rin sa mga benepisyong matatanggap mo sa pagpapatawad sa iyong sarili; ilan sa ito ay maaari ring matamasa ng ibang tao sapagkat ikaw ay nagiging mas buhay at mas malikhain.
Ikatlong Hakbang (B): Tinatanggap ko na ang pagpapatawad sa aking sarili ay makatutulong sa iba, sapagkat:
Ang pagpapatawad sa iyong sarili ay maaaring maging kapaki-pakinabang rin sa iba tulad ng pagiging isang mabuting magulang, maunawaing kaibigan, mapagpatawad na tao, at iba pa. Hindi nagbubuhat ng sariling bangko bagkus ay magiging mas interesado ka na rin sa ibang tao. Maaari ring hindi ka na makasarili at magiging mas mapagbigay. Pumili ng halimbawa kung paano ka makakapagbigay sa iba na alam mong makakatulong sa mga taong nakapalibot sayo.
Halimbawa: Ako’y magiging mas kaaya-ayang kasama (hindi maasarin, mainitin ang ulo, at depressed), Ako ay magiging mas mabait at mas mapagmahal. Mas marami akong maibibigay.
Ika-apat na Hakbang: Pinapangako kong patatawarin ang sarili dahil sa _____________ at tinatanggap ang kapayapaan at kalayaang dulot ng pagpapatawad.
Maaari kang maglista ng mga espisipikong benepisyong makukuha maliban o katulad pa sa ‘kapayapaan’ at ‘kalayaan’. Maaari mong idagdag ang mga benepisyong matatanggap ng iba kung sakaling matutunan mong patawarin ang sarili. Kadalasan, ang mga benepisyong iyong matatanggap ay direktang nagiging benepisyo rin sa iba. Kung ikaw ay mas magiging masayahin, o mas maayos na employee, mas maraming tao sa paligid mo ang nakikinabang rin dito. Ang malaman ang benepisyo ng iba habang pinatatawad ang sarili gamit ang mga hakbang na ito, ay makatutulong upang mapagaan ang pagpapatawad sa ating mga sarili.
Halimbawa:
1. Pinapangako kong patatawarin ang sarili sa pagkagalit sa aking asawa, upang ako’y magkaroon ng kalayaang ipakita ang aking buong potensyal at maging mas mapagmahal na asawa.
2. Pinapangako kong patatawarin ang sarili sa pagkawala ko ng trabaho, para ako’y makausad sa buhay at makahanap ng mas maayos na trabahong may mas malaking kita upang ako’y makinabang dito ganun din ang aking pamilya.
Sa simula, mas makabubuting gawin ang mga hakbang sa pamamagitan ng pagsulat.Magsimulang magpatawad sa maliliit na bagay, kahit na makikita mo rin na ang maliliit na bagay na ito ay hindi pala ganon kaliit. Kahit na iniisip mong ang pagpapatawad sa iyong sarili ay hindi prioridad, at mga matagal nang nakalipas, ay maaari pa ring magdulot ng malalaking pagbabago. Ulit-ulitin ang mga hakbang at makikita mo kung paano lumalago ang abilidad at kapasidad mong magpatawad habang ginagawa ito. Magdadagdag ng mga bagay (kung nais) habang binabalik-balikan ito. Tuunan ng panahon ang mga hakbang na kung saan nararamdaman mong umuusad ka na at nagbabago.
Ang totoo, wala ni isa man sa mga ito ang nag-aalis ng kakayahang makipag-ayos o humingi ng tawad hangga’t ipahihintulot ng pagkakataon at ito rin ay makatutulong; hangga’t ang mga gagawin mo ay hindi magdudulot ng karagdagang mga sakit. Kung kailangan mong higit na pag-isipan at damahin sa kung ano ang tamang gawin, hindi magtatagal at magkakaroon ka ng ideya kung ano ang dapat gawin. Kung sakaling hindi posibleng makipag-ayos; piliting mabuhay ng tama hanggang sa abot ng makakaya. Isaalang-alang ang mga mabubuting iyong magagawa; kaysa sa mga masamang nagawa na hindi mo na mababago.
I-download ang libreng eBook
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad PDF
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad EPUB
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad KINDLE
Apat na Hakbang sa Pagpapatawad
Isang pinakamakapangyarihang paraan patungo sa iyong kalayaan, kaligayahan, at tagumpay.
William Fergus Martin
ISBN: 978-1-942573-49-4